blog ng sira ulo, reglatic, tinotoyo, galit, walang pakialam sa kung anong sasabihin ng ibang tao.

Saturday, June 14, 2003

I'M NO ANGEL
G.ALLMAN

No I'm no angel, No I'm no stranger to the dark
Let me rock your cradle, Let me start a fire with your spark
Oh come on baby, Come and let me show you my tatoo
Let me drive you crazy, Come on and love me baby

Thursday, June 12, 2003

isang bumbay, si aiyar shankar, na newscaster ng channel news asia dito sa singapore ang hinuli kailan lang, dahil sa kasong.... "outraging a woman's modesty". di ko masyadong naiintidihan ang euphemism na ito pero, sa tingin ko, eh parang "pambabastos short of rape". ang nagsampa ng kaso ay isang babaeng hinubaran daw niya ng damit sa kanyang flat one time.

eto, word for word ang report:

"The 37-year-old is alleged to have removed the woman's clothes at his Chuan Park flat in Lorong Chuan at about 3 am last Nov 3. He is also alleged to have outraged her modesty a second time, three hours later. The woman reported what happened to the police on the same day. According to Channel 5's News 5 Tonight, the woman is Shankar's colleague and the incident happened after a party."

medyo may kayabangan itong asshole na ito eh. onetime, ininterview niya si angelo reyes. bastos na bastos ako sa dating. wala man lang ka-respe-respeto sa kausap niya. ang pinaka-ayoko sa lahat ay mayron siyang parang superior air na porke official ng 3rd world country ang kausap niyang pinoy eh pwede na nyang i-look down. binara nga siya ni secretary reyes ng todo-todo. kala nya siguro eh nasa india pa rin siya pag nagsalita... ano tayo? lower caste sa kanya na pwede nyang bastusin. ang suspetsa ko ay pinapanood niya ang mga show nina lou dobbs at ted koppel at ginagaya niya ang style. anyway, tapos na yon at ngayon, magsisimula nang kalbayro niya.

i wish him the best of luck. he'll need it because this case will certainly affect his career, and that is just the least of his worries.

Tuesday, June 10, 2003

maganda itong trip kong ito, kahit nakakapagod. nakaharap ko ang mga taong talagang magaling sa kanilang mga propesyon. nandito sila sa pilipinas, kumakayod para mabuhay... umaasang gaganda ang ekonomiya ng pilipinas para matumbasan ang kanilang pagsisikap. para sila man ay guminhawa. di ko alam kung anong mangyayari dito. heto ang isang malaking grupo ng tao na kayang-kayang paangatin ang pilipinas sa kanyang pagkalugmok. sa isang banda naman ay isang grupo ng tao na walang pakialam kundi ang kanilang mga sariling kapakanan. mga nanggugulang, mga ayaw pawisan, mga taong makapangyarihan na gustong manggulo.

ako forever hopeful na aangat ang pilipinas kahit papaano. alam ko rin na aabutin nang matagal para matanggal ang masama sa ating lipunan. siguro mga dalawa o tatlong generasyon. by that time, wala na ako sa mundong ito. pero di bale, basta mangyari lang ito, kahit nasan ako nang time na ito ay masaya na ako.